By Amando Doronila
Philippine Daily Inquirer
November 25, 2009
THE MAY 2010 national election was marred by the bloodiest massacre on Monday forcing President Macapagal-Arroyo to declare a state of emergency in two provinces and one city. This was the first time an emergency was declared in relation to an election, although past Philippine elections have often been marked by violence between private armies of provincial political warlords.
The carnage in Maguindanao set the gruesome tone of election-related violence. The massacre took place outside the matrix of the fighting stemming from the clashes in Mindanao between government forces and Moro Islamic Liberation Front rebels fighting for the establishment of a separate Bangsamoro homeland in Mindanao.
The casualties were both Muslims and Christians, and no group associated with the MILF or the Moro National Liberation Front has been linked to the massacre. The President declared the emergency after Presidential Adviser for Mindanao Jesus Dureza recommended the extraordinary measure to facilitate the disbandment of armed groups and prevent the escalation of violence. The President condemned the attack and said no effort would be spared to find those responsible. “Civilized society has no place for this kind of violence,” she said.
The human rights organization, Amnesty International, reported the killings of at least 21 civilians, including journalists, relatives and supporters of a family of local politicians, and said the slaughter was the first to be linked to the May 2010 election. According to first reports, a group of about 45 people were ambushed and abducted by about 100 armed men. The military reported that it had recovered the bodies of 13 women and eight men, some of them mutilated.
Reports said Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu, led by his wife Genalyn, was waylaid at 10:30 a.m. by armed men, while they were on their way to file the vice mayor’s certificate of candidacy for provincial governor at the provincial office of the Commission on Elections on Shariff Aguak. The Philippine Council for Islam and Democracy said the brutal violence brought the state of lawlessness in the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) “to a new low.”
Previous elections in the ARMM were marred by violence and widespread cheating. The deputy director for Asia Pacific of Amnesty International said, “These killings underline the danger facing civilians in the run up to the national elections.”
According to Vice Mayor Mangudadatu, among those killed where his wife, his two sisters—Eden, vice mayor of Mangudadato town, and Farina—and his legal counsels Cynthia Oquendo and Connie Brizuela. Mangudadatu is running for governor, a post held by Gov. Andal Ampatuan, whose son, the mayor of Unsay town, is reported to be seeking to fill. The Mangudadatus are reported to be engaged in a long-running feud with the Ampatuan clan, which counts among its members Gov. Zaldy Ampatuan of the ARMM.
The slaughter reaped the biggest haul of deaths among journalists, who were covering the filing of Mangudadatu’s certificate of candidacy, in one stroke of violence. The New York-based Committee to Protect Journalists said, “Covering the news has always been dangerous in the Philippines, but the wanton killing of so many people makes this an assault on the very fabric of the country’s democracy.”
This condemnation echoed the statement of the National Union of Journalists of the Philippines which said: “This [massacre] not only erases all doubts about the Philippines being the most dangerous country for journalists in the world, outside of Iraq, it could very well place the country on the map as a candidate for a failed democracy.”
More than 38 Filipino journalists have been killed for their work since 1992, and 27 others have been killed for reasons other than their work. NUJP pointed out that very few cases have been brought to trial, giving the Philippines one of the worst records of impunity in cases involving the killing of journalists in the world, as well in cases involving the extra-judicial executions of leftist activists by anonymous death squads.
Whether or not the crackdown ordered by President Arroyo on the private armies of Mindanao warlords will lead to their disbandment and stop violence from escalating into vendettas is very much in doubt. The army is fully engaged in fighting the Islamic separatist rebels, and can ill afford to divert its effort and forces to disarming the armies of warlords.
President Arroyo is widely perceived to have benefited from the ARMM’s “reservoir of votes” during the 2004 presidential election, in which her intervention in the tally is widely believed to have led to the rigging of the election, allowing her to win.
The Maguindanao slaughter has heightened fears that the declaration of emergency in area could lay the ground for a possible declaration of a failure of election in some parts of the country, giving the President an excuse to suspend the results from such places and opening the way for the rigging of results later. The emergency declaration, no matter how limited in scope, is being made at a critical moment of an election in which the President is widely suspected of grabbing opportunities to suspending it.
Wednesday, November 25, 2009
Sunday, November 22, 2009
Kalikot sa Dukot
November 21, 2009
Ni Teo S. Marasigan
Mahusay ang pagpapakita ng pagiging brutal ng karahasang pinawalan ng rehimeng Arroyo sa mga aktibista at maging sa mga manggagawang pangkarapatang pantao at mamamahayag – na, katulad ng mga aktibista, ay nagsisiwalat ng lagay ng mga mamamayan. Mahusay rin ang pagpapakita kung paano nilalaro ng militar ang opinyong publiko sa pamamagitan ng simpleng pagbaligtad ng mga kwento – imbes na militar ang gumawa ng isang bagay, ibibintang ito sa New People’s Army o NPA.
Nakatulong ang paggamit sa pagbabalik-tanaw at hindi pagiging linyar ng naratibo. Ang hinala ko, solusyon ito sa praktikal na problemang hinarap ng mga gumawa ng pelikula, dahil nga nakatuon ito sa tortyur. Naiadya nito ang mga manonood sa tuluy-tuloy na panonood sa karahasang dinanas ng magkasintahan sa kamay ng militar.
Mahigpit ang pagkakatahi ng istorya, at lalong dapat itong papurihan dahil ayon kay Bonifacio P. Ilagan, sumulat ng script ng pelikula, batay ang lahat ng laman ng istorya sa mga kwentong naganap sa totoong buhay – ibig sabihin, sa mga aktwal na dinanas ng mga aktibista sa bansa. Sa matatag na pagharap nina Junix at Maricel sa pagpapahirap ng militar – hindi nagsuplong, walang ipinahamak – maaalala tuloy ang iba pang katulad na kwento ng iba pang progresibo at rebolusyunaryo sa bansa.
Isa pang martir sa labanang iyun sa Panay si Antonio Hilario (TonyHil), inaalala ng mga kasama kahit ngayon bilang “utak pang-organisasyon” ng Samahan ng Demokratikong Kabataan… [S]ugatan si TonyHil. Sabi ng mga nakasaksi, inilibing nang buhay si TonyHil ng mga sundalo ng kaaway. Nang nakataas ang kamao ng pagbabalikwas, sumisigaw siya ng “Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!” habang sadistang tinatabunan ng lupa ng kaaway. [Antonio Zumel, “Remembering the Martyrs,” 1992 nasa Radical Prose: Selected Writings, 2004.]
Sa mga hindi aktibista, ipinapakilala ng pelikula ang panganib na dulot ng cellular phone sa mga aktibista – na tumampok sa panahon ng paghahari ng rehimeng Arroyo.
Para sa karaniwang tao, normal na gamit pangkomunikasyon lang ito at pinagmumulan ng kasiyahan sa araw-araw. Pero bukod sa narito ang mga taong kaugnayan ng isang aktibista, ginagamit din itong pang-tukoy ng kinaroroonan niya. Sa panahon ng rehimeng Arroyo, maraming kwento tungkol sa bagay na ito.
Sa isang probinsya, bago lumaganap sa mga aktibista ang kaalaman tungkol sa panganib ng cellphone, nagpupulong ang ilan sa kanila:
Aktibista 1: (Nakatingin sa cellphone.) Oh, bakit nagte-text ka pa eh kaharap lang kita? Tsaka narinig mo naman ang sinabi niya, bakit itinatanong mo pa ulit?
Aktibista 2: Hindi ako nagte-text.
Bagamat naipakita ng pelikula na wasto at makatarungan ang ginagawa ng mga aktibista, mas madiin ito sa pagsasabi ng isang punto: Na kung inaakusahan man sila ng kung anong kasalanan ng Estado, hindi sila dapat basta na lang dukutin o barilin, kundi litisin at ipakulong. Ito naman talaga ang pagtinging mas makakahatak sa mas marami para tumutol at lumaban sa pagdukot at pagpaslang sa mga aktibista.
Tiyak, gayunman, na mapapaisip ang mga nagpasyang maging kritikal sa pelikula kung bakit pinatay ng kapatid ni Junix ang militar na bagamat oo nga’t nagtortyur at pumatay sa kanyang kapatid ay dapat din sigurong iharap sa batas at parusahan batay dito. Hindi ba’t labag ito sa sinasabi ng pelikula?
Dito hirap ang maraming liberal sa bansa: ang igiit ang dapat habang kinikilala ang totoo – ang igiit na dapat parusahan sa batas ang mga inaakusahang nagkasala rito habang kinikilalang marami ang gumagamit ng dahas labas sa Estado para maghanap ng katarungan sa mga pandarahas ng militar.
Ano ang kaibahan ng liberal at Marxista?
Kapag nakakita sila ng pulubi sa kalsada…
Sasabihin ng liberal: Hindi gumagana ang sistema.
Sasabihin ng Marxista: Gumagana ang sistema.
Ang hinala ko, pinatay ng kapatid ni Junix ang militar sa dulo hindi bilang personal na paghihiganti, kundi bilang miyembro ng NPA. Ang pinangyarihan ng pagpatay – ang sabungan – ang batayan ko. May inilathala kasi dati ang Pinoy Weekly tungkol sa pagpatay ng NPA sa isang elemento ng militar na napatunayan nitong responsable sa pagdukot at pagpatay sa mga aktibista sa Bicol, na naganap din sa sabungan.
Pero ang hinala ko, hindi naunawaan ng mga manonood na NPA sa yugtong iyun ang kapatid ni Junix. Wala naman kasing anumang palatandaan sa pelikula na ganito nga. Pero NPA man o hindi, malamang na papalakpakan ang eksenang ito ng mga manonood – bunsod ng pagkasuklam sa pagpapahirap na ginawa kina Junix at Maricel.
Hindi makakawala ang Dukot sa paghahambing sa Orapronobis. Sila naman kasi ang pinakamatapang na mga pelikulang progresibo sa kasaysayan ng bansa. Pareho silang nag-endorso ng paggamit ng dahas, at nagpapatanggap sa mga manonood na may mga tao sa lipunan na naitutulak na gumamit nito – anuman ang paghusga natin sa kanila.
Lumabas ang Orapronobis noong 1987; ang Dukot, ngayong 2009. Pareho silang kumukwestyon sa “demokrasya” sa bansa. Pareho silang lumabas sa isang panahon ng paghupa ng pampulitikang panunupil – kumpara sa panahon ng diktadurang US-Marcos at kasagsagan ng pampulitikang pagpaslang ng rehimeng Arroyo.
May pagkagulat sa pagkamalay at pagkagalit na dulot ng Orapronobis – na ang mga porma ng pampulitikang panunupil na namayagpag noong panahon ng diktadura ay nagpapatuloy sa bagong rehimeng tinatawag na “demokratiko.” May pagkagulat dahil may pag-asang namamayani sa bagong rehimen, bukod pa sa ang militarisasyon sa kanayunan na isiniwalat ng pelikula ay hindi gaanong malaganap sa kaalaaman lalo na ng mga manonood na nakabase sa urban at ibang probinsyang hindi naging puntirya.
Bagamat may pagkagulat din sa pagkamalay at pagkagalit na dulot ng Dukot, mas dulot ito ng tindi ng brutalidad na ipinakita, na lingid sa kaalaman ng marami. May pangkalahatang kaalaman na kasi ang mga manonood sa isyu ng pampulitikang pagpaslang at pagdukot. Wala rin kasing namamayaning pag-asa sa demokrasya, kundi papadausdos na pesimismo at sinisismo rito at sa posibilidad nito sa bansa.
Kinakaya pa ng ibang bansa na panatilihin ang mga relasyon sa pag-aari sa pamamagitan ng mga pamamaraang tila hindi kasing-marahas tulad ng gamit sa ibang bansa. Nagagawa pa ng demokrasya sa mga bansang ito ang pagkamit ng resultang siyang dahilan kung bakit kailangan ang karahasan sa iba – sa partikular, ang tiyakin ang pribadong pag-aari ng mga kagamitan sa produksyon. [Bertolt Brecht, “Writing the Truth: Five Difficulties,” nasa Galileo, 1966.]
Ang problema sa Dukot, gayunman, ay nasa karakter na si Junix. Bukod sa pagiging masigasig na aktibista at marubdob na mangingibig, wala nang ipinakita sa pagkatao niya. Sa panahong tinotortyur siya at si Maricel, mas matatandaan siyang nagbigay ng palaban at matalas-sa-pulitikang mga pahayag. Na para bang sapat na tanganan ang mga pahayag na ito para maging matatag sa harap ng matinding pagpapahirap.
Sa tingin ko, hindi. Marami ang kailangan para maging matatag sa gitna ng tortyur at banta ng kamatayan. At ito sana ang naisama sa mga pagbabalik-tanaw sa buhay ni Junix: ang mga kwento ng katatagan ng mga naharap sa parehong sitwasyon, ang epekto ng pagtataksil sa mga kapwa-aktibista sa kanila at sa mga inoorganisang anakpawis, ang pagmamahal sa mga kasama at masa, ang mga biruan, at iba pa. Hindi naipakita ang paghango ng isang aktibista sa kultura ng paglaban at pagrerebolusyon sa bansa ng lakas para kaharapin ang pandarahas at banta ng pagpatay. Pwedeng sa ganitong konteksto umangat ang personalidad niya, o maipakitang nahubog.
Tampok ang paghahambing kung paanong mula sa pag-oorganisa at pamumuhay ay ikinahon ang katawan nina Junix at Maricel hanggang sa tuluyang pinatay ang mga ito at kung paano, sa kabilang banda at kasabay naman, umalpas ang katawan ng kanilang mga magulang sa tradisyunal na mga espasyo ng mga ito patungo sa paglaban.
Salamat sa mga manggagawang pangkarapatang pantao at sa buong kilusang progresibo, makatotohanan ang optimismo ng kwento ng pelikula: Na bagamat hindi mapapalitan ang mga aktibistang nagbuwis ng buhay, maging ang kamatayan nila ay pagkakataon para dumami ang mga lumalahok sa kilusang progresibo.

Subscribe to:
Posts (Atom)