Monday, April 06, 2009

Pagtulay Sa Alambre

(Isang Liham sa mga Filipina na Naninirahan sa Estados Unidos)*

NI JOI BARRIOS
Inilathala ng Bulatlat
Abril 4, 2009

Mahal na kabaro,
Mahal na kapatid,
Ang balita tungkol sa babaeng ginahis,
nagsakdal,
at nagpalit ng testimonya
ay balitang batid kong lumatay sa bawa't dibdib,
pinipilit ang bawa't isa
na bumagtas sa ngayon at sa nakalipas,
sa ngayon at sa hinaharap.
Pagkat paano nalilimot ang gahasa?
Ang paghablot ng dangal?
Ang dahas ng pag-angkin?
Tayong lahat ay mga babaeng naglalakad sa alambreng nakasabit,
waring tumatawid sa hangin.
Araw-araw ay naninimbang,
isang paa sa harap ng isa pang paa,
hawak nang nakadipa ang kahoy na mahaba,
tinitiyak ng pagtitig sa patutunguhan
na hindi sasablay sa bawa't paglapat,
na ang tindig,
ay mananatiling matatag.

Nabubuhay tayo sa bayang mapanakop
habang ang diwa ay nananahan
sa Inang Bayan sa silangan.
At tulad niyang hinalay, lumaban,
at nag-alinlangan,
Araw-araw nating hinaharap, tinitimbang,
ang bawa't tanong at kontradiksiyon.
Ay, kayraming tanong, kayraming kontradiksiyon.
Hawakan sa ating mga kamay ang alaala
nina Victoria Laktaw na minsan nang tumula tungkol sa gahasa,
ni Karangalan, ang babaeng tinalikuran si Macamcam,
sa dulang ipinalabas sa tanghalan sangsiglo na ang nakalipas,
ni Tandang Sora, na sa edad na nobenta
ay hindi sumumpa ng katapatan sa dayuhan.
Kung sabay-sabay tayong hindi iwawalay
ang pagtitig sa dako pa roong patuloy na pakikipaghamok,
ang bawa't hakbang, saan mang sulok ng daigdig,
ay ambag nating hakbang,
sa tunay na kalayaan ng bayang Iniibig.

Hindi totoong walang pangamba ang mga tumutulay sa alambre.
Nananalig lang sila na bukong-bukong man ay pumihit,
ang talampakan ay hindi manginginig sa pag-apak sa lubid.
* * *
Tightrope Walking
(A Letter to All Filipinas Living in the United States)
Published in Bulatlat: April 4, 2009

Dear fellow Filipina,
Dear sister,
The news on the woman raped,
the plaintiff who recanted her testimony,
was news that whipped our hearts,
news that asked us to bridge the present and the past,
the present and the future.
How does one forget the violation of the body,
the stripping of dignity,
the violence of conquest?
We are women walking tightropes,
seemingly floating on air.
Each day a balancing act,
one foot in front of another,
arms outstretched holding on a balance pole,
eyes front to the point of destination,
the key to the certainty of our steps,
the stability of our stand.
We live in a colonizing nation
while our spirits reside
in our mother country in the East.
Like her, the woman raped, she who fought,
and then again, went forward and backward,
Each day, we face, we weigh,
our questions and contradictions.
Yes, so many questions, so many contradictions.
And yet, we hold in our hands the memory
of the Victoria Laktaws,
poets who wrote verses on colonial rape.
of Karangalan, or Honor, the heroine who rejected Macamcam the Greedy
in a play performed a century past.
Of Tandang Sora, the 90-year-old revolutionary
who refused to take an oath of allegiance to America.
Together, if we look towards the struggle in the homeland,
each step we take, anywhere in the world,
is a step we offer towards the freedom
of the country of our hearts.
It is not true that tightrope walkers have no fear.
They just have faith that even when the ankle pivots,
the soles of their feet will never sway.

*This poem was inspired by the work and statements of Nicole’s lawyer, Ging Ursua, as well as other fellow TOWNS members (June, Tita Letty, Lorna, Nina, Tessy, etc.) who have fought hard not only for Nicole but also for true sovereignty in the Philippines. I also acknowledge Gabriela Philippines’s consistent struggle against the Visiting Forces Agreement. I dedicate this poem to the following women I work with in the US: Kuusela Hilo, whom I relied on for comfort and friendship when I was a homemaker in Boston; to Chat Aban, Rachel Redondiez, Rhonda Ramiro, and Roseli Ilano, my co-workers in the Bay area, and to Julia Camagong, my friend and fellow Peryante member for twenty-five years.